Naexperience nyo na ba ‘yung may isang bagay na pinipilit mo mangyari pero tadhana na ang pumipigil sayo? First time ko ‘to maramdaman sa shoot ko para sa Expe. Lahat ng gawin ko para iplanong bukas (Lunes) magshoot, kokontrahin talaga ng tadhana.

Halimbawa na lang

Yung venue at equipment na gagamitin ko, Nung Friday ko ‘to inasikaso (kasi galing ako sa sakit kaya medyo short notice) tapos On hold pa rin ang reservations ko HANGGANG NGAYON. (at plan B lang ang venue na inaasikason kong to dahil ang Original na venue ko ay hindi available ng Lunes)

Yung glide cam na dapat ayos na, eh nabalitaan ko (ngayong 3 am lang) na 5:30 am ko lang sya pwede makuha… sa Guadalupe. Kamusta ‘yon?

Mga tao mula sa crew at cast na nagrerequest (dahil mas convenient —which is true, ano) na Tuesday na lang talaga

Si Cyril na sound designer ko na nung nalaman na bukas na ako magshoshoot ay sinabing “bat di na lang sa Tuesday?”

at marami pa.

Nagtataka lang ako kung ano gusto iparating nito sakin… o kung meron ba? Ewan. Nagsisimula na yata ako maniwala na lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ay may dahilan (Uyyy, that’s new! haha)

Siguro pwede. O baka dahil mag aalas kwatro na kaya ganito na ako mag-isip.

Hehe I just wanted to share. kelangan ko lang madokumento ‘tong nangyaring to sakin ngayong gabi kasi kung may mangyari man na hindi sinadya bukas, (kunwari, dahil hindi ako natuloy sa shoot na ‘to, nasalba ko buhay ko from an accident) e di ang cool di ba? HAHA¬† atsaka First time ko brumeak down and cry, iyakan eksena sa sala dahil stressed out ako sa shootam na to!

PS. Alam kong bangag ‘tong post na ‘to. itutulog ko na lang. bahala na kung may makabasa tas naisipan ko kinabukasan na masyado syang sabaw para ipost. haha GOOD NIGHT!