Kaninang hapunan, napagusapan naming magkakaibigan ang kanya kanya naming ginagampanan sa isang relasyon.

Tinanong ako ng isang kaibigan ko kung ako daw ba ang hamon o ang itlog. 

Hindi ko agad nakuha ang analogy nito. Sabi nya, ang hamon daw ay parang baboy na kinuhanan ng parte para makapagbigay ng masarap na ulam, samantalang ang itlog naman ay inire lang ng inahin. Walang kelangan isakripisyo. Ganon talaga sya e, steady lang.

Napaisip ako. Kelangan nga ba talagang may isang hamon at isang itlog sa aming dalawa? ‘di ba pwedeng pareho kami? o wala na lang? O kung kelangan may sagot, ano nga ba ako sa dalawa? Bakit hindi ko alam na ako pala yun? Hindi ko alam.

So ayan tuloy. Binabagabag tuloy ako ngayon ng tanong ko. (Pero wala din naman akong kasiguraduhan na masasagot ko ‘tong tanong na ito kung isulat ko to ngayon e.)

PS

Teka, bat ko nga ba ‘to masyadong iniisip? Mas dapat yatang unahin ko ‘tong 10 page paper ko na deadline na bukas. Pero sige. Dahil nagaksaya na rin naman ako ng oras at nasulat ko na rin, sagutin mo na lang ‘yung tanong ko. Baka sakali din lang na may panahon kang kaya mong aksayahin. Tutal, natapos mo na rin ‘tong basahin :P

Salamat na lang din!